Saturday, November 14, 2009

YOGURT STICKS


Ano ba to? Tao ba to? Hinde! Bagay ba to? Oo! Nakakaen? Oo! Ows? Hahahaha! Tama na nga yang mala pinoyhenyo chorva. So, wala nanaman akong magawa kaya eto blog mode ulit. And ang topic is about.... Tenen! YOGURT STICKS!

Para sa mga di nakakaalam nito, ito po ay candy, hinde naka wrapper ha, nasa straw syang mahaba. Basta imagine nyo na lang yung pasta ng spageti, ganun. Pero straw sya na super thin tapos sa loob nun nandun yung yogurt. Magkabilang dulo ng straw my butas. Malamang diba?! ^_^

Matamis, Matamis, Matamis! Yun ang isang description para sa Yogurt stix. Sa una, walang ka effort effort kainin kasi sipsip lang. Kagatin mo ng konti para lumabas yung yogurt from the straw. Habang nauubos, gagamitan mo na ng kamay. Mageeffort ka na talagang tirisin para lang lumabas yung yogurt. Nakakastress pag mahaba yung nails mo kasi baka mabutas mo yung straw, hahahaha!

So tip lang, wag magpapahaba ng kuko kung gusto mong kumain ng yogurt sticks. :))

Maasim, isa ring description. Pwedeng maasim, pero para sakin matamis lang. Ayun! Kung gusto mong itry, mabibili lang ito sa inyong suking tindahan. Murang mura lang, piso isa. Sana hanggang sa mga susunod na henerasyon eh piso parin to. At tulu-tuloy lang ang tag adik sa pagkain ng yogurt sticks.

Nakakatulong to para mawala yung boredom. Ewan ko lang sa iba sa inyo, kase ako ganun eh. Mula nung matikman ko to, abot kaya na masarap pa. Enjoy pa! ^_^

Basta mag sanitize muna ng hands bago kumain. Kasi hands talaga ang talagang ginagamit para mapalabas yung yogurt. Pero ang disadvantage naman nito, nakakasira ng teeth kase shempre matamis, tsaka kakangatngat mo, baka nga naman tumabingi yung ngipin mo hahahaha! Wag naman sana mangyari saken. :))

Yun lang muna. ^_^

-leen

Friday, November 13, 2009

BAHALA NA

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Akalain mo nga naman
Dahil ako nanaman ang
Babanat sa mic na to
Sige sumakay ka sa bike na to ang tulang itoy
Hinahandog sa mga ka-chokaran kong
palaging talo
Sa mga laro ng buhay
Gusto mo ng chicken pagtingn mo gulay
Malunggay na hinaluan ng tuyong tira
Pagkatapos mong kumain ay walang tinga
Paghinatulan ay di ka pwedeng umapila
Birthday mo pala bakit di ka kinumbida
Ang panget mo! Yan ang sinasabi
sayo ng nanay mo!
Mga kapatid na palagi kang ginugulpe
Bumbilya mo na laging punde
Niligawan ang klasmeyt mo
Pag nilalapitan ang sinasabi nya sayo Pwe!
Ngayon ang enrollment nyo
Humingi ka ng pera sabi ng itay mo Che!
Pagnamamasyal laging luneta
Aparador mo na lumang maleta
Mga damet na walang etiketa
Buhay na parang roleta
Ng kapalaran palaging bokya
Kamote na hindi maka kopya
Sa teacher na paraing si miss tapia
Ang grade koy parang lumang hopya
Di bale na ganayan lang talaga ang buhay
Parang damit sa tindahan na ukay ukay
Ano man ang ating gawin
Kapalaran natiy haharapin Tara!

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Tumaya ka sa lotto nanalo ka
Di mo pa dinidigahan sinagot ka na
Lahat ng mga bagong kotse meron ka na
Pati alahas na masakit sa mata
At mabigat sa braso di pwet ng baso
Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo
Damit na bagong bili ginawang retaso
Madalas ka pa sa banko kaysa sa banyo
Sa dami ng pera mo gamit na wallet ay bag hoy
Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy
Malakas ang dating kasi naman ang mukha moy
Parang isang piraso ng inukit na kahoy
Tinawagan mo pa lang tanggap ka na
Pasado ka sa test sa isang kisap mata
Ano unang araw ng trabaho boss ka na
Laging nakaupo may taga utos ka pa
Kinunan ka ng picture akala moy
Hindi ka naka video pero karakas moy
Nagkalat na sa youtube kaya ngayoy
Sikat na para ding moymoy palaboy
Paborito ka ng teacher mo
Laging orig ang mga t-shirt mo
Kahit saang lupalop ka pumunta
ay lagi kang naka hatid sundo
Tingnan mo sundan mo ang lahat
ng mga inuutos ko
Yan ang palagi mong sinasabi pare
daig mo pa nga ang pangulo
Ng barangay hall kaso lang narinig
mong tumilaok ang manok
Panaginip lang pala pano yan tanghali ka na
nagmamadali kang bumangon kaso lamang
nabagok napakanta na lang

Di lamang ikaw ang may dinadala
Tumingin ka sa paligid nariyan lang

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya
kumapit ka

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na
Ganyan lang talaga ang buhay kaya
Bahala na

Thursday, October 15, 2009

AT THE EMBASSY

Hi readers! Ngayon na lang ako ulet nakagawa ng blog. Naging busy kase kaka facebook at plurk. Busybusyhan hehehe.. Anyway, according to my blog's title, Imma share my experience sa US Embassy last Oct 9. Were gonna have an interview with my mom and tito. Inside the embassy, dame kong kaba, gosh! Hahaha! Ganun din feeling ni mom and tito kase shempre nakakanerbyos naman talaga yung interview. Nakakatuwa yung screening sa fingers eh. Ilalapat mo yung left hand mo yung first four fingers muna then sa right hand din. Then lastly, two thumbs. Wala lang, natuwa lang ako dun. :D

To make the story short, mom ko lang nagrant to have visa then kami ni tito denied, awts! But its ok. Meron pa namang next time. Ganun pala yung mga itatanong sa interview. Pag married ka, naka focus sila sa job na meron ka, ownings, kasi para alam din nila na may babalikan ka here sa Pinas. Unlike me and my tito, single kami. So parang ang dating eh, anytime pwedeng iwan ni tito yung work nya here and mag TNT na sa US. Hahaha! But excuse me, we won't do that. Wala sa lahi namin ang manloko :))

Ako naman, all about schooling yung tinanong ng VC. If I already gone to other country, blah blah blah. I answered "Not yet, Sir." And he respond, "Good answer!" I don't know bat nya yun nasabi siguro dahil napaka honest ko, hahaha! Napakarami ngang tinanong kay tito eh, nag effort pa sha sumagot sagot ng bongga. Tapos after that, good news and bad news, na ayun nga denied kami ni tito and si mama lang magkaka visa. Two thumbs up for mom! =)

So ayun, shineyr ko lang naman yung experience ko dun. Para yung mga ibang makakabasa neto, may idea na sila pag nagpuntang US Embassy. Natatawa pa ko, before kami pumasok sa embassy, may nakaaway pa mom ko yung guard ng Yellowcab. Nagpapark kase kame between 711 and yellowcab, eh ewan ko ba dun sa guard na yun sabe nya sa 711 sha tapos yellowcab naman pala sha security guard. Tapos kinausap ni mama yung manager ng yellowcab, papatanggal na sana sa trabaho, hahaha! (evil laugh) KIDDING!! ;)

Tapos sa labas ng embassy may manang na lumapit tapos sabi bawal daw liquids sa loob ng embassy, kaya napilitan si mama na iwan yung lotion nya. May mga cellphone pa nga si manang eh, Nene ata or Neneng name nya. Basta something like that. Natawa kame kase, mag iiwan ka na ng phone sa kanya magbabayad ka pa. Soshal ni manang dba! Echoserang kokak. Hahaha! Bawal kase gadgets sa loob eh.


After interview, paglabas namin ng embassy, chill muna sa 711. Di pa maka move on si tito kumbaket kami na denied. Hahahaha! Wala pa sha sa stage ng paglimot. :)) So yun lang muna, mag haharvest pa ko sa farmville sa facebook eh. Babay! ^_^

-leen

Thursday, October 1, 2009

BRAINWASH

Heyah people! 1st blog for this month. Lemme tell you a story about my ex bestfriend. I know its awkward to call her ex, eh kase past na yun. And a lot of things changed. I have this friend, girl sha, I don't wanna mention her name na lang. Nung mga bata pa kami, I met her here in our subdivision. Naging super close kami. Magkasama sa lahat ng kalokohan. I'm older than her, I think 3 or 4 years ahead? Basta, pero hindi nya ko ate noh, haha! Teka nga, ang lamok eh, imma put the fan sa baba ng legs ko, hehe!

Ayan, okay na. Lets proceed to this blog. I can't say na ako talaga yung bestfriend nya, pero I know that time we used to call each other as "Bes". Everyday kami naglalaro, minsan sa house namin or minsan sa kanila. Close ko rin kasi yung younger brother nya and also her mom and dad. Ilang steps lang naman yung house ko sa kanila. Hehehe.. Dami naming trip nun. From elem to highschool. But there's one person ang sumira samin. Rumor starts to came out, dumating sa point na siniraan ako nung impokritang girl na yun sa bestfriend ko (sorry for the word impokrita). I don't know pano nangyari yun, siguro she's just too insecure of our closeness. So, nagkaron ng gap, we never spoke to each other till now. Years passed by, wala na ko balita sa kanya. Di ko na rin sya nakikita dito sa subdivision. Pero I know dito pa rin sila nakatira. Nakakasalubong ko kasi minsan yung dad nya lalo na mom nya. Ako, wala na yung galit ko. Shempre mga bata pa kami non, super tagal na yun eh. Na brainwash kasi sha nung impokrita, hahaha! If she only knew lang talaga kung anong ugali nun, hindi sana kami nasira.

I miss her na, I really miss our bondings, I hope one day, we'll see each other and tawanan na lang namin yung mga nakaraan. :)

So kayo, if you have a friend or bestfriend, 'wag muna maniniwala sa mga hear-say. Mahirap na, maraming taong umaaligid para lang sirain kayo. Wag magpa brainwash, ayt?

Yun lang muna.. ^_^

Friday, September 25, 2009

TRAUMA

Hi guys! It's a rainy day, kaya naman naisipan kong i-blog tong experience ko sa Bicol last summer. I think after holy week yun nung nagbakasyon ako dun. I'm with my cousins, ulan ng ulan kaya di kami maka-gala sa labas hehe. Umabot ng 2 days naulan pa rin. Nung 2nd day na yun, kinagabihan ang lakas lakas na ng ulan. And napabalita na may bagyo nga. Patulog na sana kami. Kaming dalawa ng pinsan ko(Graceann) sa baba and my aunt and uncle kasama isa ko pang pinsan(Amfel) sa 2nd floor. Bumaba si Auntie Eden(mom nila Graceann and Amfel) to check us, and pinalipat na kami sa taas kasi naffeel na nila na babaha talaga. May tubig na kasi sa loob ng cr and kung ganun pa rin kalakas yung ulan hanggang kinabukasan eh for sure di magtatagal tataas na yung tubig. Nag transfer na kami ng bed sa taas. Then we helped each other para iakyat yung mga gamit galing sa baba para hindi mabasa sa baha. After that, nag sleep na kami. Di ko namalayan na bumangon pala silang lahat para iakyat pa ulit yung ibang gamit. Tulog na tulog ako that night. Nagising ako I think 7 in the morning. Bababa sana ko pero pagtingin ko sa stairs, umabot na dun yung baha. Gosh! All my life, ngayon lang ako nakakita ng ganung baha haha! Nakakatakot na nakakatuwa. Nakikita ko yung mga tao sa labas dala dala mga gamit nila nakakaawa tingnan kasi walang itaas bahay nila. Datisa tv ko lang nakikita yun eh, ngayon pati ako nakakaranas na. Lubog yung ibaba ng house namin eh. Buti na lang may second floor talaga. Dati kasi naeexperiece ko baha nung sa Pasay eh hanggang waist ko lang shempre bata pa ako nun kaya maliit pa ako kaya knees lang yun ng matatanda hehehe..

I wanna share some pictures took by my cousin nung time na yun. Lowbat kasi ako ^_^ just go to this link..

http://aaiilleeeenn.multiply.com/photos/album/39

-leen

Sunday, September 13, 2009

RESPONSE TO ROADFILL'S BLOG: "BADTRIP"

Share ko naman yung nakakabadtrip na experience ko..

Birthday ng friend ko(Kinney) and she invited us na kumain sa labas(Em, Karla and me) And it'll be at ATC(Alabang Town Center). Our friend Karla was in Southmall, then she'll go to ATC na lang after para magkita kita kame. Suddenly, Kinney texted me na di na tuloy dahil may emergency sa kanila. Can't remember kung ano yun basta di naman ako nagalit kasi gusto ko rin pumuntang ATC that time. Si Em naman may work so di na rin makakapunta. Naawa naman ako kay Karla kasi early in the afternoon nandun na sha. Kaya i decided na daanan sha before I go to Laguna(kina jowa, haha dati pa yun! LOL!) when I'm on my way na, nagtext pa si Karla na where na raw ako. Finally nasa ATC na ako. Nag cr muna ko then tinext ko si Karla na nandun na ako. Hindi nagrereply. Naghintay pa rin ako. After 15 minutes i tried to call her but her phone is out of reach. Damn! Bigla sumakit yung puson ko. Napaupo ako sa sobrang pain. Tsk tsk! Tapos naisip ko pa rin si Karla, sabe ko na lang: "Indian ba 'to?" hindi sha sumasagot. Haler!? Andameng payphone dun. Bat hindi sha nagsabe kung san ko sha pupuntahan kase lowbat na pala sha. Pero alam ko may pinuntahan na yung iba, baka nayaya na ng tropa nya or whatever. Haynako! Define BADTRIP!!!

When I got home, binuksan ko yung tv para mag momo(monitor sa chatroom) nag chat ako ng GOOD EVENING tapos biglang nag chat yung friend kong si Ruby asking if kamusta pagkikita namen ni Karla. I replied, "sino yun? haha!" gulat ako nag chat si Karla "Aileen, basa ko yun, sorry lowbat yung 2 phones ko kaya umuwi na lang ako."

VALID BA YUN? Ah basta! Deadma ko pa rin sha sa chatroom. Tapos last chat nya, "Sige, Aileen. If that's the case."

Ano kaya yun? Di man lang marunong mag sorry or what. Basta! INDYANERA! 1st time ko maranasan yun ha! DEMET!

Ayun, sherkolang! ^_^

Tuesday, September 8, 2009

NAREALIZE KO LANG...

Hi guys! Another blog again tungkol naman sa karanasan ko ang isheshare ko sa inyo na sobrang laki ng epekto sa buhay ko..

Isa akong 3rd year Tourism Student from Lyceum of the Philippines University (Intramuros, Manila) nagiisang anak lang din ako. Kaya sobrang overprotective sakin ng parents ko. This semester, naging pabaya ako. Parati kong kasama mga tropa ko. Imbes na pumapasok ako sa school, dumederecho ako sa Laguna to meet them. Hindi rin ako nakakauwi. Lagi na lang ako nag aalibi sa parents ko at classmates ko na naghahanap sakin. Dumating kasi sa point na may problema sa bahay namin and naging immature ako that's why pagrerebelde ang akala kong magiging sagot sa problema ko. I started to drink alcohols. Pero i don't smoke. I was an alakiztah member, clan yun. Kalimitan kase ng friends ko, nakilala ko sa chat at text. Pero pinipili ko pa rin naman yung kakaibiganin ko. Kahit sabihin mong close na kami, hindi pa rin ako basta basta nagttrust.

Gabi-gabi nag-aalala sakin parents ko. 2-3 weeks ko yatang ginawa yung hindi pag-uwi sa bahay. Pero later on, mga tropa ko na rin nagsabi sakin na umuwi na ako at kausapin ko parents ko, magapologize and magpakatino. Napakarami kong narealize, at sobrang pinagsisihan. Dinrop ko na lahat ng subjects ko for this sem, pero pinagbabayad pa rin kami ng full tuition. Bakit kami magbabayad eh hindi naman na ko pumapasok? Patakaran daw yun ng school. Haaay, naawa ako sa mama at papa ko. Ngayon alam ko na bawat hakbang na gagawin ko ay laging may kapalit. Pwedeng mabuti o masama. Lesson na rin sakin 'tong mga naranasan ko. Bata pa ako, nakadepende pa ako sa mga magulang ko kaya dapat sila ang sundin ko.

Para sa mga katulad kong teenager na nakararanas ng ganito, o higit pa, hindi pa huli ang lahat para magbago. Hindi naman habangbuhay nandyan ang mga magulang natin para magtrabaho nang magtrabaho para may makain at maipang-aral satin. Alam naman nating lahat na tanging edukasyon lang ang tanging ipapamana satin ng mga magulang natin. Kaya 'wag natin sayangin ang opportunity na makapasok sa pribado o pampublikong paaralan. Ang mahalaga, nag-aaral. Para rin naman 'to sa sarili nating kinabukasan.

Basta, bawat gawain, 'wag kalimutang mag-pray kay BRO ^_^

Salamat sa pagbabasa mo nito, nawa'y nakapulot ka ng aral.
Gutom na rin ako eh, babay!!

-leen

HAPPY BIRTHDAY ROADFILL


I'm back mga friends! Yes, this is it! Red pa talaga ang font dahil pag sinabing red, birthday yun diba? Pag naka red shirt kasi ang isang tao, kinakantahan o binabati ng Happy Birthday hehehe..

August 28, 2009 i asked my dad na magpunta kami ng Padis Point MOA. Pumayag naman at magsama raw ako ng tropa ko. So tinext ko yung friendly neighborhood kong si spiderman hehehe joke! Si Chammy, sha yung nakasama ko papuntang MOA. Sobrang excited akong mag gabi na. Para simula na ang saya... =D

OMG, 9pm pa lang nandun na kami sa MOA. Tambay muna sa Gerry's Grille to meet up my dad and his kumpare(Kuya Ely) kapitbahay din namin hehehe.. 11pm kasi start ng gig so past 10 na pumunta na kami dun sa Padis para makapagpareserve na ng table. And then, okay na, nakapwesto na kami sa loob, past 11 na wala pa ang MMP, 12:20 na nga dumating eh. Filipino time talaga hehehe.. Pero ganun talaga pag sikat, kailangan pa-late ng konti ^_^

Pagpasok ni Kuya Moymoy at Roadfill sa door ng Padis napatili mga tao, at shempre pati ako hehehe.. Sobrang crowded na ng dadaanan nila kaya nagulat ako lumiko at sa table namin dumaan. Nauuna si kuya Moymoy maglakad kasunod si Roadfill. "Papalapit na sila!" sabi ko kay Chammy. Eh nakatalikod sha nun nagulat na lang sha bigla akong may kinamayan, speechless nga sha nung makita nyang si Kuya Moymoy at Roadfill magkasunod kong kinamayan. Hindi ko ma-explain yung feeling na yun. Sobrang saya ko! =))

Tuluy-tuloy lang ang saya nung gabing yun. Di kami makapunta ng dance floor kasi walang mapagiiwanan ng bag namin. You know, mahirap na.. Sayang nga, hindi ako nakapag papicture kay Roadfill. Medyo na-shy kasi ako. Shy pa raw, eh kapalmuks kong kinamayan hahahahaha!! Ayoko na ngang matapos yung gabing yun eh. Kaya sabi ko sa sarili ko, next gig nila, dadalhin ko cd nila at papa sign ko kay Road. Picture-taking as well. Whew!! ^_^

Yun lang muna mga prends...

-leen

ROADFILL

Ehem! Eto ang first ever blog ko after my introduction. At shempre si roadfill ang una kong isheshare sa inyo. First time ko kasi magkaron ng idol ng sobra sobra. Define obsessed! ^_^

Una ko pa lang mapanood sa youtube ang duo na 'to na sila Moymoy at Roadfill, tuwang tuwa na ako. Ang galing ng style nila sa pagpapatawa. Hindi pa sila sikat pinapanood ko na sila. Ang kukulit ng songs na pinipili nilang i-lipsynch. Galing pa ng facial expression, dun din bumilib pati nanay ko.

At ngayong sikat na sikat na sila, i'm proud if them. Taga-pasay pala ang magkapatid na 'to. Ask nga ng nanay ko kung saan sila sa Pasay kasi tubong Pasay din nanay ko. Halos araw-araw ko na sila pinapanood sa youtube. Pati yung tv shows kung saan nag ge-guest sila. Naiinis pa nga ako pag hindi sila pinapakita sa All My Life, yung kina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sila lang kasi inaabangan ko dun. SWEAR!

One night, galing ako sa laguna. Pagbaba namin ng mga friends ko sa jeep, sabi ko jijingle lang ako. Nasa alabang na kami nun tapat mismo ng Metropolis. Pumasok kami, sa Padis Point nakita ko yung poster ng MOYMOY PALABOY, grabe! Umurong yung wiwi ko, hahahaha!! Nakiusap yung friend ko na makikigamit lang ako ng cr. Buti mabait si manong guard at di na ko pinagbayad ng entrance fee kasi di naman ako manonood ng gig ng MMP, biglaan talaga yun eh. Di ko expected na makikita ko yung IDOL ko in person. Sayang nga, hindi ko napikchuran. Ang saya ko talaga that night. Kaya after that night, nag search ako sa internet kung saan next gig ng MMP. Shempre hinananap ko yung lugar na pinakamalapit puntahan. Napili ko yung sa Padis Point MOA. August 28, 2009. Birthday pa ni Roadfill talaga yun, YES!! First gig nila na mapupuntahan ko, birthday pa ng super crush ko hehehehe..

Next blog ko na lang yung mga pangyayari sa mismong gig. ^_^

-leen

INTRODUCTION

Hello guys, its me aileen. First time ko magpost ng blog infairness!
Before, nakikita ko lang sa fs at kung saan saan yang blog na yan. Akala ko naman kasi website din ek ek. Basta! Di ko lang feel yun na yon. Eh since bored ako, i wanna try it lang naman.

Wala namang masama kung susubukan diba? Hehehe..

So yun, intro lang naman 'to.

Next blog! :)

-leen