Tuesday, September 8, 2009

NAREALIZE KO LANG...

Hi guys! Another blog again tungkol naman sa karanasan ko ang isheshare ko sa inyo na sobrang laki ng epekto sa buhay ko..

Isa akong 3rd year Tourism Student from Lyceum of the Philippines University (Intramuros, Manila) nagiisang anak lang din ako. Kaya sobrang overprotective sakin ng parents ko. This semester, naging pabaya ako. Parati kong kasama mga tropa ko. Imbes na pumapasok ako sa school, dumederecho ako sa Laguna to meet them. Hindi rin ako nakakauwi. Lagi na lang ako nag aalibi sa parents ko at classmates ko na naghahanap sakin. Dumating kasi sa point na may problema sa bahay namin and naging immature ako that's why pagrerebelde ang akala kong magiging sagot sa problema ko. I started to drink alcohols. Pero i don't smoke. I was an alakiztah member, clan yun. Kalimitan kase ng friends ko, nakilala ko sa chat at text. Pero pinipili ko pa rin naman yung kakaibiganin ko. Kahit sabihin mong close na kami, hindi pa rin ako basta basta nagttrust.

Gabi-gabi nag-aalala sakin parents ko. 2-3 weeks ko yatang ginawa yung hindi pag-uwi sa bahay. Pero later on, mga tropa ko na rin nagsabi sakin na umuwi na ako at kausapin ko parents ko, magapologize and magpakatino. Napakarami kong narealize, at sobrang pinagsisihan. Dinrop ko na lahat ng subjects ko for this sem, pero pinagbabayad pa rin kami ng full tuition. Bakit kami magbabayad eh hindi naman na ko pumapasok? Patakaran daw yun ng school. Haaay, naawa ako sa mama at papa ko. Ngayon alam ko na bawat hakbang na gagawin ko ay laging may kapalit. Pwedeng mabuti o masama. Lesson na rin sakin 'tong mga naranasan ko. Bata pa ako, nakadepende pa ako sa mga magulang ko kaya dapat sila ang sundin ko.

Para sa mga katulad kong teenager na nakararanas ng ganito, o higit pa, hindi pa huli ang lahat para magbago. Hindi naman habangbuhay nandyan ang mga magulang natin para magtrabaho nang magtrabaho para may makain at maipang-aral satin. Alam naman nating lahat na tanging edukasyon lang ang tanging ipapamana satin ng mga magulang natin. Kaya 'wag natin sayangin ang opportunity na makapasok sa pribado o pampublikong paaralan. Ang mahalaga, nag-aaral. Para rin naman 'to sa sarili nating kinabukasan.

Basta, bawat gawain, 'wag kalimutang mag-pray kay BRO ^_^

Salamat sa pagbabasa mo nito, nawa'y nakapulot ka ng aral.
Gutom na rin ako eh, babay!!

-leen

No comments:

Post a Comment